^

Punto Mo

Empleyadong matagal nag-AWOL ano ang dapat gawin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ang gagawin ko sa empleyado ka na nag-AWOL? Hindi po siya nag-file ng kanyang resignation o nagpaalam man lang bago siya nawala at matagal na hindi pumasok sa trabaho. Hindi rin po siya sumasagot sa texts o tawag. Maari ko na po ba siyang sisantehin sa trabaho? —Regine

Dear Regine,

Kailangan muna nating liwanagin na ang term na absence without leave o “AWOL” ay nagpapatungkol lamang sa pagliban sa trabaho ng isang empleyado ng walang paalam. Hindi ito kaagad nangangahulugan ng tuluyang pag-abandona sa trabaho, na ayon sa Korte Suprema sa kaso ng RBC Cable Master System and/or Cinense v. Baluyot, [596 Phil. 729, 739-740 (2009)] ay binubuo ng dalawang elemento: ang hindi pagsipot sa trabaho ng walang sapat o makatwirang rason at ang intensyon ng empleyado na tapusin na ang ugnayan niya sa kanyang employer.

Kung ang insidente ng pagliban ng isang empleyado ay minsa­nan lamang, hindi nararapat ang pagsisisante, ayon sa Korte Suprema sa Book Media Press Inc. and Brizuela v. Sinajon and Abenir (G.R. No. 213009 July 17, 2019). Nakalaan kasi ang pinakamatinding parusa ng pagsisisante para sa mga pagkakataon kung saan nagpakita ang empleyado ng seryosong pagsuway sa mga utos at patakaran ng kanyang employer at malalang kapabayaan sa kanyang mga tungkulin. Base sa nabanggit, mahihirapan ang isang employer na mabigyang katwiran ang pagsisante sa isang empleyadong minsan lamang lumiban ng walang paalam lalo na’t may sapat na dahilan naman ang huli sa kanyang pag-absent at wala siyang ipinakitang malinaw na intensyon na iwanan ang kanyang trabaho.

Ibang usapan naman kung matagal ang pagkawala sa trabaho ng empleyado at wala siyang ibinibigay na rason para rito. Sa kanyang pagkakataon ay maari nang ipagpalagay ang pag-abandona ng empleyado sa kanyang trabaho, na sapat ng dahilan upang siya ay matanggal sa trabaho.

Ang mainam na gawin sa sitwasyon mo ay padalhan mo muna ng notice to explain ang empleyado sa huling address niya na alam mo, kung wala ka ng ibang paraan upang siya ay makontak. Kung hindi siya sumagot, o kung sumagot man ay hindi pa rin katanggap-tanggap ang kanyang paliwanag para sa matagal niyang pagkawala, maari mo na siyang tanggalin sa trabaho sa pamamagitan ng pagpapadala ng notice of termination. Sa ganyang paraan ay hindi siya basta-basta makakapagsabi na siya ay “illegally dismissed” dahil idinaan mo sa tamang proseso ang pagtanggal sa kanya.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with