^

Punto Mo

Wheelchair (94)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ISA pa rin sa inaalala ko Tito ay baka kung ano ang gawin sa iyo ng trop ani Bart. Malakas ang kutob ko na nagpapalamig lamang sila. Naghihintay ng tiyempo para makaperwisyo,’’ sabi pa ni Jong sa nag-aalalang boses.

“Akala ko tumigil na sa kalokohan ang Bart na yun mula nang hindi na nag-aral?’’

“Palagay ko, nagpapalamig lang sila Tito. Matindi nga po ang napapabalita na pati ang drug pushing, pinasok na ni Bart.’’

“Aba walanghiya talaga?’’

“Ayon sa narinig namin ni Pam, siya ang tagatulak ng shabu na nire-recycle ng mga pulis. At ang target na bentahan ni Bart ay mga estudyante.’’

“Talamak na pala ang kawalanghiyaan. Bakit hindi pa mamatay ang Bart na yun?’’

“Kaya pala tumigil si Bart sa pag-aaral ay para mag-concentrate sa pagtutulak ng shabu. Ipinagpalit ang droga sa pag-aaral.’’

“Malaki yata ang napepera sa shabu ano?’’

“Opo. Ang isang kilo ay milyong piso yata ang halaga. Kaya maraming natutukso. Pati pulis, nagre-recycle ng shabu para malaki ang kita.’’

“Nakakatakot na ang nangyayari.’’

“Oo nga Tito.’’

ISANG araw, itinuloy na ni Tito Mon ang pamamalimos. Sakay ng wheelchair, nagtungo siya sa Espana na dati niyang balwarte. Ito ang huli niyang pamamalimos. Titigil na siya pagkatapos nito. Kailangan lang niyang kumita para may pera sa graduation ni Jong.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with