^

Punto Mo

POGO related crimes!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA isinagawang pagdinig sa Senado kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), nabatid na umaabot sa 102  kaso ng kidnapping at iba pang krimen na may kinalaman dito ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ang naturang bilang,  base sa tala ng PNP ay mula noong 2019 hanggang nitong Enero 31, 2023.

Sa 316 na mga biktima ng kidnapping at iba pang POGO related crimes, 214 dito ay pawang mga Chinese,  habang sa 892 na mga suspect sa naturang mga krimen, 782 dito ay mga Chinese pa rin.

Sa kabila nito, 83 sa mga sinasabing suspect ang naaaresto, 93 ang at-large, 482 nakapagpiyansa at 3 sa mga suspek ang napatay at ang iba naman ay nasa kustodiya ng Bureau of Immigration.

Hiningi  ng mga senador ang report, para nga mapag-aralan kung kailangan ba na maipagpatuloy ang operasyon ng POGO o tuluyan na itong ipatigil dahil sa social cause.

Ramdam ba ang naitutulong nito sa ekonomiya, kumpara naman sa ilang perwisyo na naidudulot pa nito sa bansa?

Aminin man o hindi masasabing sa mga prinisintang bilang lalu na ng kaso ng kidnapping eh tumaas ito dahil sa operasyon ng POGO.

Baka naman ginagawa lang front ang  POGO para mapagtakpan ang mga ilegal na aktibidades?

Aba’y kung ganyan, maituturing na sindikato na yan.

Maging si Pangulong Bongbong Marcos ay nagsabing pinag-aaralan  ng kanyang administrasyon kung kailangan pa nga bang ipagpatuloy ang POGO o tuluyan na itong patigilin dahil nga sa pagkakasangkot sa mga criminal activities sa bansa.

Hindi naman umano ito malaking bahagi ng ekonomiya ng bansa  na kailangan matimbang lalo na nga ito ay makakaapekto sa lipunan.

Kung sabagay sa maraming insidente naman yata kasi, yung mga illegal POGO ang ­nasasangkot at maaari rin naman na nadadamay lang yung mga legal.

Pero kailangan pa rin itong mabusisi nang husto, gaya nga nang naipauna na natin baka ginagamit lang na front ito ng ilang tiwaling indibiduwal at grupo na karamihan nga ay mismong kababayan pa ng mga operator nito.

 

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with