^

Punto Mo

Wheelchair (90)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SINO naman ang mag-uutos?’’ tanong niya kay Pam.

“Wala lang. Naisip ko lang. Kasi’y nakapagtataka na dalawang beses na tayong hinoldap—una sa dyipni at ikalawa ay nung isang gabi habang tayo ay naglalakad. Para bang may nakakaalam ng ating aktibidad at alam kung saan tayo patungo.’’

Nag-isip si Jong.

“Siguro nga ay dapat hindi na tayo magpagabi. Mas malapit tayo sa disgrasya kung inaabot ng gabi.’’

“Malapit na naman ta­yong matapos sa research at projects natin. Kapag natapos, makakauwi na tayo nang maaga.’’

“Oo. Sabi nga sa akin ni Tito, kung maiiwasan nating magpagabi. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na malapit na tayong mag-graduate kaya may mga project na tinatapos. Talaga raw marami na ang mga holdaper ngayon dahil sa kahirapan.’’

Napatango si Pam.

“Maiba ako ng usapan, wala ka ng balita kay Bart. Mula nang tumigil siya sa pag-aaral parang wala nang balita sa kanya.’’

“Baka nagpapalamig lang yun.’’

“Baka nga.’’

“Tingin ko kasi, marami nang pinasok na illegal ang bart na yun. Baka pati bentahan ng droga luminya na.’’

“Posible.’’

“Kaya dapat pa rin tayong mag-ingat sa kanya.’’

“Di bale at malapit na tayong magtapos. Makakaalis na rin dito.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with