^

Punto Mo

EDITORYAL - Hustisya para kay Jullebee Ranara

Pang-masa
EDITORYAL - Hustisya para kay Jullebee Ranara

DUMATING kahapon ang nakakahong bangkay ng overseas worker na si Jullebee Ranara. Sinalubong siya ng kanyang mga kaanak sa NAIA. Pinakamalungkot na tagpo. Umalis siya noong 2018 na malakas at punumpuno ng pag-asa at kahapon, dumating siyang isang malamig na bangkay.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara sa isang disyerto sa Al Salmi, Al-Jahra noong Sabado. Basag ang bungo nito. Ang suspect ay ang 17-anyos na anak na lalaki ng employer na umamin na sa pagpatay. Nakakulong na umano ang suspect.

Si Ranara ang ika-197 na Pinay worker na pinatay sa Kuwait mula 2016. Karamihan sa kanila, pinatay ng amo. At ang kagimbal-gimbal, karamihan ay pinatay matapos gahasain. Sabi ng Department of Migrant Workers (DMW), nakahanda na ang tulong ng pamahalaan sa pamilya ni Ranara.

Nadagdag na ang pangalan ni Ranara sa listahan ng mga kawawang OFW na pinatay sa Kuwait. Noong 2018, pinatay ang Pinay domestic worker na si Joanna Demafelis ng kanyang mga among Lebanese. Makaraang patayin, isinilid ang katawan nito sa freezer. Ang pagpatay ang naging dahilan para ipatigil ni President Duterte ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait. Nahatulan na ang mga amo ni Demafelis na sina sina Mouna Ali Hassoun, isang Syrian at asawang si Nader Esam Assaf, isang Lebanese. Kamatayan ang hatol sa kanila.

Noong Mayo 2019, pinatay ang domestic worker na si Constancia Dayag, 47, ng kanyang amo. Kahindik-hindik ang nangyari kay Dayag sapagkat grabeng bugbog ang inabot ng kawawang Pinay mula sa kanyang mga amo. Patay na ito nang dalhin sa ospital. Hinihinalang ginahasa si Dayag. Sinampahan ng kasong murder ang among lalaki ni Dayag.

Disyembre 2019, pinatay si Jeanelyn Villavende ng kanyang babaing employer dahil sa pagseselos. Naaresto at nahatulan ng kamatayan ang among babae ni Jeanelyn.

Noong 2019, nangako ang Kuwait government na poprotektahan ang Pinoy contract workers. Lumagda sila sa isang kasunduan. Inalis ang deployment ban sa nasabing bansa.

Malinaw na hindi nasunod ang memorandum of understanding ng Pilipinas at Kuwait na naglala­yong maprotektahan ang mga Pilipino workers doon. Nawalan ng saysay ang paglagda ng Kuwait sapagkat mayroon na namang pinatay.

Hustisya ang sigaw sa pagpatay kay Ranara. Gawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para maparusahan ng kamatayan ang killer ng kawawang Pinay worker.

 

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with