^

Punto Mo

Ultimo remedyo ang Maharlika huwag lang itong dudugasin!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HIHIRAMIN ng gobyerno ang halagang P250 ­bilyon sa Government Financing ­Institutions (GFI) kabilang ang GSIS, SSS, LandBank at DBP at ang P25 bilyon ay magmumula sa national budget. Hindi ito gusto ng ilang congressman at senators dahil baka malagay daw sa peligro ang kontri­busyon ng GSIS at SSS members. Ooows nagmamalasakit sa bayan? Himala!

Mahirap talagang isipin kung makakatimbang ng gobyerno sa mithiin nito na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng mga nakaupong mga pulitiko at ang mga magmamaneho sa Maharlika Wealth Fund. Hindi pa rin naman humuhupa ang kasakiman sa pera nang karamihan sa kanila. Tandaan na sa 2025 ay midterm election na. Kakalat na naman ang mga plastik. He-he!

Sa kabila nito, kung magiging maayos ang management nito ay posibleng lumikha ito ng ganansya. Ito ay kung gagamitin ang salapi sa pagpapaunlad ng agrikultura, patubig, manufacturing industries, pabahay at pautang na kapital sa maliliit na negosyo.

Ang bumabagsak na ekonomiya nang malalaking bansa ay lubhang makakaapekto sa atin kung hindi tayo mag-iisip ng paraan upang buhayin ang lokal na industriya natin lalo na sa produksyon ng pagkain.

Kailangan din nating ibalik ang programa sa tamang pagpapamilya at iwasan ang mga luho ng bisyo. Malaking kabahagi ng kinikita ng isang manggagawa ay napupunta lamang sa pamasahe, kaya tama ang diskarte ni PBBM na lumikha ng pabahay na malapit lamang sa factories.

Ginawa na ito ng bansang Malaysia at pumalpak ang mga nagmaneho. Nangyari na rin sa bansa natin ang ginawang kapalpakan ng SSS at coco levy funds na ginamit sa maanomalyang pamumuhunan, kaya napurdoy ang pera ng bayan. May leksiyon na tayo, kaya ingat mga tsong. Huwag sanang magka-unggoyan!

Upate sa MWF: Nagpasya ang leaders ng House of Representatives noong Miyerkules na hindi na gagamitin ang pera ng SSS at GSIS para pondohan ang wealth fund.

GSIS

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with