^

Punto Mo

Wheelchair (32)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SA palagay mo Jong, wala na ang mga naghahanap sa atin?’’ tanong ni Tito Mon.

“Palagay ko Tito.’’

“Puwede na kaya ­tayong bumalik dun?’’

“Opo.’’

“Sige. Itulak mo na pabalik dun sa pinagpapalimusan natin.’’

Itinulak ni Jong.

Pero wala pa silang limang hakbang na nagagawa ay natanaw nila sina Bart. Hinahanap pa rin sila at nakarating din pala rito gayung malayo na ito sa Dapitan.

“Ibalik mo Jong. Magtago na tayo!’’

Mabilis na naibalik ni Jong ang wheelchair. Halos patakbo niyang itinulak para hindi sila makita nina Bart.

“Dali, Jong! Dun mo dalhin sa tambak ng mga construction materials na yun. Dun tayo magtatago!’’

Mabilis nilang tinungo ang tambak ng mga materyales na itinapon ng mga construction workers ng condo.

Mataas ang tambak kaya tamang-tamang pagtaguan. Mula sa pinagtataguan ay nasisilip nila ang tatlo. Papalapit na sa pinagtataguan nila ang mga ito.

“Huwag kang gagawa ng ingay Jong. Kahit ubo,’’ bulong ni Tito Mon.

“Opo.’’

Palapit nang palapit ang tatlo.

Hindi humihinga si Jong.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with