^

Punto Mo

Magkasintahang senior citizen, nagpakasal sa grocery store kung saan sila unang nagkakilala

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grocery store sa Arizona, U.S.A. ang piniling wedding venue ng magkasintahang senior citizens dahil doon sila unang nagkita at nagkakilala!

Noong Nobyembre 19, nagpakasal ang 72-anyos na si Brenda Williams sa 78-anyos na si Dennis Delgado sa aisle 8 ng Fry’s Food and Drug Store sa Casa Grande, Arizona.

Agosto 2021 unang pinagtagpo ang landas nina Brenda at Dennis sa condiments section ng nasabing grocery. Parehas sila noong nagha­hanap ng mayonnaise at nag­kabiruan sila dahil parehas silang hindi sanay at naiilang magsuot ng face mask.

Dahil sa biruan, nagkuwentuhan sila ng mahigit kalaha­ting oras habang namimili sa grocery. Matapos ang kanilang first meeting, nagkita sila muli sa local church at doon lalo nilang nagustuhan ang isa’t isa.

Parehas balo sa kanilang mga asawa sina Brenda at Dennis. Noong 2020 nawala ang asawa ni Dennis samantalang si Brenda ay 30 taon nang walang asawa.

Abril 2022 na-engage sina Brenda at Dennis. Sa tulong ng kanilang mga kaibigan, napakiusapan at napapayag ng mga ito ang management ng Fry’s grocery na doon ganapin ang kasal ng dalawa.

Sa aisle 8 mayonnaise section ng grocery naganap ang pag-iisang dibdib bilang simbolismo sa nangyaring love at first sight ng dalawa sa isa’t isa.

Sa panayam ng mga news outlet sa bagong kasal, sinabi nila na gusto nilang maging inspirasyon sa mga tao sa buong mundo na hindi dapat sinusukat ang edad pagdating sa pagmamahal.

 

SENIOR CITIZEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with