^

Punto Mo

Huwag paglaruan ang Saligang Batas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday Boss Miguel Belmonte!

• • • • • •

Magsisilbing test case sa gobyerno ni President Bongbong Marcos ang hakbangin na pag-amyenda ng Public Service Act na magbibigay ng 100 percent sa mga dayuhan na magmay-ari ng negosyo sa Pinas. Noong panahon ni Tatay Digong ipinilit ang pag-amyenda ng naturang batas sa hangaring maitaas nito ang ekonomiya ng bansa.

Subalit kuwidaw! Hindi ito nangangahulugan na ang mga benipisyong maaaring tamasahin dulot ng RA 11659 ay malaking garantiya na upang ang ekonomiya ng bansa at iba pang pangunahing serbisyo publiko ay mapapabuti. Masarap bantayan ang bagay na ito sa ilalim ng administrasyon ni BBM.

Bakit kanyo? Aba’y may mga opisyales sa ngayon, at mismong si BBM ay sumalungat sa panukalang batas na RA 11659 noong sila ay mga mambabatas pa sa Kongreso. Anila’y: “Simply because they are an infringement to the highest law of the land.” Dipugaaaaa! “Wag kumurap mga kosa at baka malusutan kayo ng pag-amyenda ng Public Service Act. Mismooooo!

Kapag naamyenda ang naturang batas, inaalis nito ang limitasyon ng mga negosyanteng banyaga bilang may-ari ng ilang pangunahing industriya sa bansa – na ang ibig sabihin ay puwede na silang maging 100 percent owner ng mga negosyong dati’y 40 percent lamang nilang hawak. Ang nakatatakot pa rito ay maaari umano itong maging masamang halimbawa, at masundan pa ng mga pagbabagong aalipusta sa ating Saligang Batas – mga pagsusog na hindi na dumaan pa masusing pag-aaral bagkus ay ibinatay na lang sa kapritso ng ilang mambabatas.

Kaya minabuti ni Louie “Barok” Biraogo na pigilin ang paglalaro sa Saligang Batas sa pamamagitan ng pagsampa ng petisyon sa Supreme Court upang mapanatili ang natatanging karapatan ng mga negosyanteng Pinoy na paunlarin at palakihin ang anumang negosyong hawak nila. Hindi ito nararapat na mapunta sa kamay ng mga dayuhan. Kung palarin man, puwede, pero hanggang 40 percent lamang sila gaya ng dati! Eh di wow! Ani Biraogo: “Anyway, we cite here the petition before the Supreme Court to show that the amendments done to the Public Service Act is not a desirable course.” Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tumpak!

Sabi ni Biraogo sa kanyang petition: “There is no way by which this provision can be tampered with unless there is a law that specifically provides for the amendments to the provisions made in the Constitution. Thus, the new law, Republic Act 11659 amending Commonwealth Act No. 146 or the Public Service Act, falls within the ambit of the legal procedure within which Constitutional provisions can be amended.”

Kung sabagay, totoong makatutulong ang bagong probisyong ito sa pag-attract sa mga negosyanteng banyaga at mapaunlad ang ilang sektor ng industriya sa bansa – gaya ng telecommunication, transportation at iba pang negosyong kailangan ang malalaking puhunan. Nasa kay BBM ang huling baraha ng mga negosyanteng Pinoy. Abangan!

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with