Phone call

(Base sa kuwentong nalathala sa psychology today.com tungkol sa kakaibang karanasan ni Dean Koontz, isang sikat na American novelist.)

NOONG September 20, 1988, habang abala ako sa aking­ pag­tatrabaho sa opisina, biglang tumunog ang telepono. Dinampot ko ito at sinagot.

“Hello…”

“Please be careful.”

Nadama ko ang “urgency” sa boses nito.

“Who is this?” tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako, tatlong beses niyang inulit ang pangungusap na “Please be careful”.

Naisip kong nagkamali lang siguro ng idinayal na number. Pero bakit kahawig ang boses ng aking ina. Ang problema, dalawang taon na siyang pumanaw. Tinanggal ko kaagad sa aking isipan ang tawag na iyon. Nagiging madrama lang siguro ako o nami-miss ko lang ang aking mama. Wala akong pinagsabihan tungkol dito, maliban sa aking misis.

Pagkalipas ng dalawang araw, tumawag sa akin ang nursing home kung saan naroon ang aking ama. Pinuproblema nila ito dahil nang-aaway daw ng kapwa niya pasyente. Noong kanyang kabataan, alcoholic si Papa at bayolente kapag lasing. Ako ang napagdidiskitahan niya lagi. Abused child ako noong araw.

Dalawang araw ang nakalipas, tumawag sa akin ang isang staff ng nursing home kung saan namamalagi ang aking ama. Kailangan daw nila akong kausapin tungkol sa pagiging pasaway nito. Mayroon daw itong sinuntok na kapwa residente ng facility. Napabuntong-hininga ako.

Nagtungo ako sa nursing home. Pagpasok ko sa kuwarto ng aking ama, walang anu-ano ay inundayan niya ako ng saksak. Wala na ito sa kanyang sarili. Buti na lang at naging maagap ako, nasalag ko ito at nagpambuno kaming mag-ama dahil inaagaw ko sa kanya ang kutsilyo. Naagaw ko ang kutsilyo kaya agad akong lumabas sa kuwarto. Marami ang nakakita sa pangyayari kaya isa sa mga usiserong residente ang tumawag ng pulis. Paglabas ko ng kuwarto, sabay namang dumating ang mga pulis. Palibhasa ay nakita nilang may hawak akong kutsilyo, inakala ng mga pulis na ako ang “nanggugulo”.

Itinutok ng mga ito ang kanilang baril sa akin, sabay sigaw ng “Drop the knife!”

Sumagot ako, “Hindi ako…naroon siya,” sabay turo sa kuwarto ng aking ama.

Pero hindi sila naniniwala. Sumigaw ulit. “Drop the knife”. Nakatutok pa rin ang mga baril sa akin at handang iputok kung hindi ako susunod sa sinasabi nila.

Binitawan ko ang kutsilyo. Nang pinoposasan na ako, may sumigaw na nurse.

“Hindi siya. ‘Andun ang may kasalanan,” sabay turo sa kuwarto ng aking ama.

Muntik na akong mabaril nang walang kalaban-laban. Naniniwala ako para sa akin talaga ang paalaalang “Please be careful”. At malaki rin ang aking paniwala na boses iyon ng aking mahal na ina.

Show comments