Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, malaking kabalbalan mga ginagawa mo!

NAGULANTANG ang buong bansa sa agarang pagpaparatang ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel na may kinalaman si Pres. Bongbong Marcos sa pagkakapaslang kay broadcast journalist Percy Lapid. Tinalo pa ang mga tauhan ni PNP chief General Rodolfo Azurin sa pagresolba sa krimen. Ano kaya ang hakbang ni Legal Adviser JPE? Makapanindig balahibo ito!

Dahil nasa kalsada si ­Manuel at wala sa plenaryo ng ­kongreso nang bigkasin ito, kaya wala siyang “immunity from suit”nang ipagsigawan niya na may kinalaman si BBM sa pagkamatay ni Lapid. Lagot si “Tik-Tok” queen, kapag nagkataon!

Hayagang tinukoy ni Manuel si BBM, at inihalintulad pa sa ama nitong si dating Pres. Ferdinand Marcos Sr. na diretsahang pinaratangan na pumapatay ng mamamahayag. Mas mabisa raw pala na kumembot at mag-“Tik-Tok” lang para bumilis sa pagresolba ng kaso, kaysa mag-aral ng intelligence at case building course sa bakuran ng PNPA, ha-ha-ha!

Nabokya na ni National Youth Commission Chairman ­Ronald Cardema si Manuel sa isang talk show, dahil sa akusasyon nito sa bulwagan ng kongreso na corrupt ang opisina ni Cardema. Hinarap at binulyawan ni Cardema si Manuel sa forum. Napipi ang hitad dahil wala naman palang hawak na dokumento na magpapatunay na involve si Cardema sa corruptions. Ay abaw, ano ka butigon? Wala ka gali data pasuwelduhon?

Malaking bagay naman talaga ang may oposisyon sa ­kongreso upang mabantayan ang kapritso ng mga miyembro ng majority block na kongresista. Pero kung puro kabulastugan naman ang gagawin, mabuti pa ang wala. At least, mababawasan ang pinasasahod natin. Nakakaimbiyerna ka, di ba Tekla?

Pag-ibayuhin sana ng mga opposition congressmen na tulad ni Manuel, ang makapag-ambag ng “macho ideas” at makatotohanang paraan para guminhawa ang buhay ng mamamayan, kaysa magpakalat ng fake news! Yahoooo!

Show comments