Ginger (170)

KINAHAPUNAN, isa-isang ipinakilala ni Daniel kina Ginger at Anton ang ilan pang mga bata na magkokolehiyo sa Maynila. Nasa anim ang sabay-sabay na magkokolehiyo. Dalawa ang balak kumuha ng nursing, tatlo ang pagkaguro at isa ang balak kumuha ng political science at gustong mag-abogado.

‘‘Sa aming bahay kayo titira habang nag-aaral. Malaki ang bahay at mayroon kayong sariling kuwarto. Si Daniel ang magtuturo ng inyong mga kuwarto kapag nasa Maynila na. Si Daniel rin ang magtuturo ng iba pang dapat ninyong malaman. Gusto kong ituring ninyo ang bawat isa na magkakapatid. Gusto ni Tatang Nado na magmahalan kayo. Gusto niya na magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Maaasahan ko ba ‘yan, mga bata?’’

‘‘Opo Tita Ginger. Susundin namin lahat ng sasabihin mo,’’ sagot na sabay-sabay ng mga bata.

‘‘Good! Siyanga pala lahat ng inyong kailangan ay ipagkakaloob. Sabihin laha ng gustong gamit at ibibigay sa inyo.’’

‘‘Salamat po Tita Ginger,’’ sabi ng mga bata.

 

KINAGABIHAN, nag-usap nang masinsinan sina Ginger at Anton.

‘‘Balak kong dito na tumira, Anton. Pagandahin natin ang lugar na ito.’’

‘‘Paano ang mga ampon natin sa Maynila?’’

‘‘Puwede naman natin silang dalawin dun.’’

(Itutuloy)

Show comments