Psychology facts

• Kung sa tantiya mo, ang isang gawain ay matatapos sa loob ng tatlong minuto, gawin mo na ito at tapusin. Halimbawa, ­paghuhugas ng pinggan. Maganda sa pakiramdam kapag may natapos kang isang gawain gaano man ito kadali at kaliit na bagay.

• Ang nerbiyos at excitement ay magkapareho lang ng body reaction. Kaya kung ninenerbiyos ka na mag-speech, isipin mo nang paulit-ulit  na excited ka. Kapag excitement ang iyong nararamdaman, ang tendency mo ay galingan ang iyong pag-i-speech.

• Kapag napansin ng mister na nagbago ang mood ng kanyang misis, ‘yun bigla itong naging sumpungin, malamang na madalas nakatutok ang kanyang mata sa cellphone kaysa kanyang misis.

• Gaano man kalaki ang galit natin sa ating minamahal, lagi itong natatapos sa pagpapatawad.

• Kung ayaw mong magkaanak o hindi ka magkaanak, ang ibig sabihin daw nito ay “last reincarnation” mo na ito at handa nang lumipat ang iyong kaluluwa sa higher dimension.

• Paano maipapaliwanag ng mga mag-asawa o magkarelasyon na malaya nilang mahahawakan ang genitals ng isa’t isa pero hindi ang kanya-kanyang cell phone dahil phones are private.

• Kapag iniisip ka ng isang tao “sexually”, nararamdaman mo ang kanyang presence kahit pa milya-milya ang layo ninyo sa isa’t isa.

Show comments