^

Punto Mo

Ginger (167)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MGA dalawang minuto rin ang nakalipas bago naglaho ang maputing usok sa loob ng balon.

At nang ganap na nawala, tumambad kina Anton, Ginger at Daniel ang napakarami pang batong hiyas sa ilalim ng balon. Napakarami! Iba’t iba ang kulay. Ngayon lang sila nakakita ng ganun karaming batong hiyas. ‘‘May mina nga rito ng gemstone Anton. At ang balon na ito ang pinaka-ina. Nanga­nganak nang nanganganak,’’ sabi ni Ginger habang nakatunghay sa balon.

‘‘Kailangan palang bantayan natin ang lugar na ito, Ginger. Kapag nalaman ng ibang tao ay maa­aring pag-interesan ito. Kapag napasakamay nila, wala nang maitutulong sa mga ampong bata ni Tatang Nado. Baka hindi na natin sila mapag-aral at mapakain.’’

‘‘Tama ka Anton. Kailangang bantayan angari-arian ni Tatang Nado para hindi mapasakamay ng iba.’’

Biglang nagsalita si Daniel.

‘‘Ipinatago po sa akin ni Lolo Nado ang titulo ng lupang ito. Mayroon din po siyang iniwan na last will. Ginawa po niya ang last will mga isang linggo bago siya namatay.’’

‘‘Ano ang nakasaad sa last will, Daniel?’’

‘‘Hindi ko po alam. Nakalagay po kasi na huwag bubuksan.’’

‘‘Puwedeng makita ang last will?’’

‘‘Opo Tita. Nasa ilalim po ng kubo ni Lolo Nado. Nakabaon po roon.’’

Niyaya sila ni Daniel sa silong ng kubo.

Itinuro ang kinababaunan ng last will at titulo.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with