^

Punto Mo

Hindi pinag-render ng 30 days, tama ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Retrenched employee po ako. Paano po kung noong mismong araw na kinausap kami ukol sa aming pagkakatanggal dahil sa retrenchment ay ang siyang last day na rin po pala namin. Hindi na po kami pinag-render ng thirty days.

Tama po ba iyon? — Jeffrey

Dear Jeffrey,

Kung ang empleyado ay tinanggal ng kanyang employer ng dahil sa retrenchment ay kailangang mabigyan ng employer ang empleyado at ang Department of Labor and Employment ng karampatang notice ukol dito tatlumpung (30) araw bago ang nakatakdang pagtanggal sa empleyado.

Kahit pa sabihing may dahilan ang employer para tanggalin ang empleyado sa pamamagitan ng retrenchment, kailangan pa rin sundin ang pagbibigay ng nabanggit na 30-day notice. Ito ay para mabigyan ang DOLE ng sapat na panahon para i-verify o alamin kung may sapat nga bang dahilan para mag-retrench ng empleyado.  Bukod dito, ang 30-day notice ay para na rin mabigyan ng panahon ang empleyado para makapaghanap ng trabahong maaring lipatan.

Kung sakaling hindi sundin ng employer ang pagbibigay ng 30-day notice, maari siyang maharap sa pagbabayad ng 50,000 pesos bilang danyos, kahit pa sabihing may sapat namang dahilan para sa pagre-retrench ng empleyado. Ito`y alinsunod sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Jaka Food Processing Corporation v. Pacot (G.R. NO. 151378, March 28, 2005).

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with