Ginger (165)

TINUPAD nina Ginger at Anton ang pag-uwi sa Socorro kasama si Daniel para dalhan ng sapat na tulong ang mga batang alaga ni Tatang Nado noong nabubuhay pa. Dalawang van na puno ng pagkain at mga kailangan ng mga bata sa pag-aaral ang dala nila. Bawat bata ay pagkakalooban din ng pera para gastusin sa buong taon. Lahat nang mga bata na nakalista ay pagkakalooban.

Eksaktong ala-una ng hapon ay nasa Socorro na sila. Nagdaan sila sa bahay ni Mulong at isinama ito kasama ang misis para mamahagi ng pagkain at mga gamit sa school. Hindi na ginamit ang traysikel bagkus ay si Mulong na ang nag-drive ng pickup ni Anton.

Pagkaraan ng isang oras ay nasa Daang Diablo na sila. Nang makarating sa kubo ni Tatang Nado at agad na ipinatawag ni Ginger ang mga bata. Si Daniel mismo ang tumawag.

Ipinamahagi nila ang mga pagkain, gamot, vitamins at school supplies at pati pera.

Nang matapos ang pamamahagi, tinanong ni Ginger si Anton kung nasaan ang balon.

Itinuro ni Anton.

‘‘Halikayo.’’

 (Itutuloy)

Show comments