^

Punto Mo

Permanent evacuation centers, panahon na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Halos nagkakasunud-sunod ang dating ng kalamidad hindi lang naman sa bansa kundi maging sa iba pang lugar.

Marami nating mga kababayan ang agad na napalikas bago pa man ang pananalasa ng super bagyong si Karding.

Bagama’t hindi naiwasan ang casualty, ang maagap na pagpapalikas eh nakatulong ng malaki para hindi mapahamak ang marami.

Patungo na sa Vietnam ang mapaminsalang bagyo, pero mukhang may nakapila pa ring low pressure area na nagbabadyang pumasok muli sa bansa.

Kapag maagang nakakapaghanda, naiiwasan ang matinding pinsala lalo na sa buhay. Maliban nga lang minsan sa ayaw talagang sumunod sa mga panawagan kaya napapahamak.

Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong kalamidad na nangyayari rin naman sa ibang bansa at baka mas matindi pa. Yun nga lang ang kaibahan ng ilan, meron na agad silang lugar na paglilipatan sa kanilang mga kababayan kapag nanawagan agad ng evacuation ang pamahalaan.

Sa atin mabilis din naman ang panawagan nang paglikas pero kadalasan inilalagak ang mga evacuees sa mga paaralan, sa maliliit na covered court o barangay hall.

Kapag matindi ang mga naging pinsala at natatagalang makauwi ang evacuees nagtatagal din sila sa mga evacuation center na kadalasan nga eh mga paaralan.

Ang nagiging problema naman dito, apektado ang pag-aaral ng mga estudyante.

Tulad nga ngayon na meron nang face-to face classes, paano na kung meron pa ring mga evacuees sa kanilang eskuwelahan.

Kaya nga marahil panahon na para magtayo ng mga permanenteng evacuation center sa iba’t ibang lugar sa bansa na pwedeng magamit kapag may kalamidad. Kung pwede nga lang bawat lungsod o munisipalidad. Siyempre mas maraming mga comfort room at bathroom ang pwedeng isamang mailagay.

Matagal na at marami na ring mambabatas at opisyal ng pamahalaan ang nagsusulong nito

Alam ninyo kasi, kaya madalas ayaw sa evacuation center ng marami nating kababayan kahit nalalagay na sa panganib ang kanilang buhay, eh ang nakikita nitang masama ring kalagayan at sitwasyon nila sa mga lugar na paglilipatan.

Kung may maayos na lugar na permante, baka hindi na magdalawang isip sa pangungumbinsi sa mga ito kada kailangan ang paglikas.

Mas magandang puhunanan ito ng mga kinauukulan kasi matagalan at maramihan ang talagang makikinabang dito.

EVACUATION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with