^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema ang dulot ng POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Problema ang dulot ng POGOs

MARAMI sa mga mambabatas ang nagsasabing itigil na ang operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Mayroon namang nagsasabing i-regulate ito dahi hindi naman lahat ng POGOs ay pasaway at walang pakinabang.

Nagsimula ang operasyon ng POGO sa bansa noong 2017 makaraang bigyan ng permiso ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Malaki raw ang kikitain dito. Totoo namang malaki ang isinampang pera ng POGOs sa kaban ng bansa. Noong 2018 hanggang 2019, tumabo ng bilyong piso ang revenue collection. Pero noong 2021 hanggang sa kasalukuyan, katiting na nakolekta—P3 bilyon na lang.

Gayung kakaunti ang kinikita, dumagsa naman ang mga Chinese na nagtungo sa bansa para maemploy sa POGOs. Sa kasalukuyan, hindi makumpirma kung ilan ang kabuuang bilang ng mga Chinese na nasa bansa. Ang masama, marami sa mga nag-o-operate na POGOs ay illegal kaya lalo nang walang napakinabang ang pamahalaan.

Ang pagbagsak ng koleksiyon sa POGOs ay sinabayan nang maraming krimen sangkot ang mga Chinese. Umarangkada ang kaliwa’t kanang pangingidnap. Pawang mga Chinese ang kinikidnap at ang utak ay kapwa Chinese na pinatutubos nang malaking halaga ang biktima. Karamihan umano sa kinikidnap ay mga natatalo sa sugal at hindi nakakabayad. Bukod sa pangingidnap, marami ring Chinese POGO workers ang kinukulong at pinahihirapan ng sindikato. Karamihan sa na-rescue ng DILG ay mga Chinese na walang passport, o anumang papeles. Kamakailan, 40 Chinese ang na-rescue sa Pampanga at lahat ay walang papeles. Paano nakalusot ang mga ito sa Bureau of Immigration (BI)? Pinagkaperahan ng mga korap sa BI?

Tapusin na ang operasyon ng POGOs. Lahat na sila dahil wala namang pakinabang. Nagdudulot pa ng kahihiyan sa bansa ang mga nangyayaring krimen na ang mga utak ay Chinese. Hihintayin pa bang lumala pa nang todo ang krimen sa bansa bago itigil ang POGOs? Huwag nang maging gahaman sa kaunting kikitain.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with