^

Punto Mo

Foreign investors, mahikayat kaya ng Uniteam ni BBM

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

INAASAM ng Uniteam ni Pres. Bongbong Marcos na ha­hakot­ ng positibong responde ang taimtim na imbitasyon nila sa mga manufacturing foreign inves­tors upang magtayo ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas United ba talaga sila?

Marami nang manufacturin­g companies ang naitayo ng U.S. investors sa bansa matapos ang WW2, pero unti-unti silang lumayas dahil sa panghihimasok ng mga makakaliwang tropa ng unyonista noong 1970. 

Kapag hindi naibigay ng kompanya ang mga hinihingi nila ay humahantong sa pagpipiket at worker strike kaya nalulugi. Ikinairita ito ng mga dayuhang negosyante. Karamihan sa kanila ay lumipat sa Vietnam, Indonesia at Taiwan.

Hangga’t may malalalang red tape sa gobyerno at pulahang unyonista na mambabalahura sa foreign investors, malabo tayong maka-engganyo ng dayuhang investors. Baka mapahiya na naman tayo.

Napakahirap isipin kung paano kukumbinsihin ang foreign investors sa bansa gayung kahit clearances sa barangay ay sakit na ng ulo ng mga investors, bukod pa sa mga “war freak” na syndicated marginalized labor sector na may kakampi pang makakaliwang party-list congressmen na tinik sa lalamunan ng mamamayan.

May mali sa pagsasabatas at pagrerepaso ng mga aplikasyon hinggil sa kuwalipikasyon ng partylist na mas nagpapahirap sa kaban ng bayan. Kung hindi makakaliwa, ay mga oligarkong pulitiko na naghahari na sa kanilang nasasakupan. Sumasakay lang sa mga organisasyon na baka sila pa nga ang nagbuo. Presto! May pork barrel na si Utoy, yahoooo!

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with