^

Punto Mo

Mga isyu sa NCAP, giit sagutin muna bago ipatupad!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAY magandang  layunin ang no-contact apprehension policy (NCAP) na umaarangkada na nga sa maraming lungsod partikular sa Metro Manila.

Kabilang nga rito ang pagdisiplina sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko kahit walang sumisita o nakakakitang traffic enforcers.

Naitatala lang ang mga sinasabing paglabag sa mga nakakalat ng CCTV ang kanilang mga paglabag.

Sa ganitong sistema, naiiwasan din ang madalas na nagaganap na ‘kotongan’ o lagayan sa lansangan sa pagitan ng lumabag na motorista at ng traffic enforcers.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagrereklamo sa naturang policy, kaya nga may grupo na humiling na sa korte at umabot na nga sa Korte Suprema para maipatigil ang sistema.

Nauna nang nanawagan ang Land Transportation Office (LTO na masuspinde ang naturang polisiya hangga’t hindi pa narerebyu at nailalabas ang guidelines sa polisiya.

Marami rin kasing mga motorista ang nagrereklamo rito, maging ang mga operators sa mga pampublikong behikulo na siyang  tumatanggap ng charges at sila ang nagbabayad ng multa ng kanilang mga drivers.

Isa pang reklamo rito ay sobrang taas ng penalty na nakapaloob dito. Ang siste, iba-iba ang penalty sa iba’t ibang lugar.

Tila nakikita na rin ito ng ilang mambabatas na talagang may dapat pang ayusin bago tuluyang ipatupad.

Isa na nga rito, ang katanugan na bakit umano kumokolekta ang isang pribadong firm sa nakokolektang fines sa NCAP.

Isa pa sa hiling ng transport groups ditto eh isaayos muna ang mga traffic light na dapat ay merong timer at hindi yung bigla-bigla na lang mag-iistop.

Kung ganitong marami pang nakikitang dapat ayusin sa naturang polisiya, pwede marahil na mapagbigyan muna ang suspension nito habang pinaplantsang mabuti ang mga panuntunan na makakabuti para sa lahat. 

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with