^

Punto Mo

70-anyos na misis sa India, isinilang ang una niyang baby!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN sa mga social media at news headlines kamakailan ang tungkol sa mag-asa­wang senior citizen na winelcome ang una nilang baby!

Limang dekada ng kasal sina Gopichand at Chandravati ngunit lagi silang bigo na magkaroon ng anak. Sa loob ng 54 na taon, hindi na mabilang ng mag-asawa kung gaano karaming doktor ang kanilang kinunsulta para mabuntis ngunit lagi itong nauuwi sa kabiguan.

Noong 2020, kumonsulta sila sa isang in vitro fertility clinic sa Alwar, India. Matapos ang dalawang failed attempt na in vitro fertilization procedure, nabuntis sa ikatlong attempt si Chandravati. Dahil may edad na si Chandravati, naging maselan ang kanyang pagbubuntis. Matapos ang siyam na buwan na pagdadalantao, ligtas niyang naipanganak ang kanilang baby boy.

Sina Gopichand at Chandravati ang maituturing na pinakamatandang first time parents sa India at sila na rin ang huli dahil naipatupad na noong Hulyo 2022 sa kanilang bansa ang batas na pinagbabawal na pagbibigay ng IVF treatment sa mga may edad 50 pataas.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with