Mahalay na senyas ng daliri

• Middle finger gesture ang tawag sa pagbaluktot ng lahat  ng daliri habang nakatayong mag-isa ang panggitnang daliri. Isinesenyas ito ng isang tao sa kinagagalitan niya. Katumbas ito ng pagmumura. Ang panggitnang daliri na nakatayo ay simbolo ng penis samantalang ang mga nakabaluktot na daliri sa magkabilang tabi ay simbolo ng dalawang testicles.

• Minsan, isinesenyas din ito sa mga lalaking prostitute kung papayag sila sa anal penetration.

• Ang middle finger gesture ay unang naisulat at ipinakita sa Greek comedy play na The Clouds noong 423 BC. Isinulat ito ng magaling na playwright na si Aristophanes.

• Sa mga Amerikano,  “victory sign”  ang ibig sabihin ng pagbuka ng magkatabing  hintuturo at panggitnang daliri para magmukhang V.  Sumikat ang nasabing senyas pagkatapos ng World War II. Ang side ng palad ang nakaharap sa mga tao.

• Minsan, ginagamit din itong senyas ng kostumer sa waiter na ibig sabihin ay paorder ng 2 beer. Noong 1960s, ginamit na “peace sign” ang “V sign” ng U.S. youth movement or hippie.

• Sa U.K. at sa Ireland, ang V sign ay isang mahalay na senyas na kagaya ng middle finger gesture. Ang pagkakaiba lang nito sa “peace” at “victory” sign, ang likod ng kamay ang nakaharap sa taong kinagagalitan niya.

 

Show comments