^

Punto Mo

Ginger (119)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG dumaan sila sa Itim na Tulay, wala ni isa mang maligno na humarang sa kanila. Pakiramdam ni Anton, nagsipagtago ang mga maligno habang dumadaan sila. Parang natakot. Tama ang sabi ni Tandang Nado na habang hawak ang supot na may lamang bato, walang makakalapit na maligno. Hindi kaya ng mga maligno ang power ng batong binigay ni Tandang Nado. Sobrang lakas.

Hanggang sa makalampas sila sa Itim na Tulay na walang nangyari. Ni isang maligno ay walang nagtangka.

“Walang humarang sa atin, Sir Anton. Tama ka!’’

“Dahil sa dala nating bato, Mulong. Sabi ni Tandang Nado, hindi lamang maligno ang takot sa bato kundi pati mangkukulam at mga mamababarang.’’

“Ang galing ng batong hawak mo. Tiyak na gagaling na si Ginger, Sir Anton.’’

“Oo.’’

Pagdating sa bahay nina Mulong ay naghanda na si Anton sa pagbalik sa Maynila.

‘‘Kumain ka muna Sir Anton. Nagluto ng adobong tilapia si Misis. Para hindi ka gutumin sa biyahe.’’

Kumain si Anton.

Pagkatapos kumain naghanda na siya. Bago umalis, inabutan niya ng sobre si Mulong. Pera ang laman.

‘‘Salamat sa inyong mag-asawa. Babalik ako rito.’’

‘‘Salamat Sir Anton.’’

Samantala sa Maynila, masama na ang lagay ni Ginger. (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with