^

Punto Mo

Misis sa Thailand, nag-eempleyo ng babae na magiging kabit ng kanyang mister!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 44-anyos na misis sa Thailand ang gumagawa ng kontrobersiya ngayon sa Thai social media matapos itong mag-post ng job advertisement na nagha-hanap siya ng babae na puwedeng maging kabit ng kanyang asawa!

Sa panayam sa kontro-bersiyal na misis na si Pattheema Chamnan, nagha-hanap siya ng “mistress” dahil matagal na siyang hindi nakikipagniig sa kanyang mister. Nakokonsensiya siya na hindi na niya maibigay ang mga “pisikal” na panga-ngailangan ng kanyang asawa.

Ayon sa job advertisement na pinost ni Chamnan, kailangan na ang mga interesadong aplikante ay may “pleasing personality” at “good communication skills”.

Bukod dito, required din na walang anak at may masayang ka-bonding ang aspi-ring kabit. May suweldo na 16,000 Baht ang papasang kabit at bukod dito libre ang board and lodging sa kanilang tahanan sa Bangkok.

Naging viral ang job advertisement ni Chamnan at maraming hindi naniwala. Inisip ng iba na isa itong prank o joke. Ang iba naman ay tinuligsa ang misis dahil nanghihikayat ito ng adultery.

Matapos makatanggap ng pamba-bash mula sa mga netizen, ipinaliwanag ni Chamnan na mayroon siyang chronic depression at gusto lamang niyang may gumanap sa kakulangan niya sa kanyang asawa. Sa panayam naman sa mister ni Chamnan na si Pattagorn, sinabi nito na hindi niya tatanggihan ang babaing ipakikilala sa kanya ng asawa.

Sa kasalukuyan, nakapili na mula sa ilang aplikante ang misis. Isa itong 33-an-yos na dalaga at kaibigan mismo ni Chamnan.

THAILAND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with