^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakuna muna bago ang F2F

Pang-masa
EDITORYAL - Bakuna muna bago ang F2F

LABING-ISANG araw na lamang at face-to-face classes na sa pampublikong eskuwelahan sa buong bansa. Sabi ni Vice President at DepEd secretary Sara Duterte na wala nang pagpapaliban sa pagbubukas ng klase. Nagkaroon na ng Brigada Eskuwela kung saan, tulung-tulong ang mga guro, magulang at iba pang civic organization sa paglilinis ng mga eskuwelahan. Sinisigurong malinis at maayos ang mga silid-aralan sa pagbabalik-school ng mga bata na mahigit ding dalawang taon na natigil dahil sa pandemya.

Ang isang hindi pa tiyak ay kung mababakunahan lahat ang mga batang magbabalik-eskuwela. Sa kasalukuyan, 4.2 milyong bata pa lamang ang nababakunahan at wala pa silang booster shots. Maliit na bilang pa lamang ang nababakunahan sa mga magbabalik-eskuwela. Ayon sa DepEd, may kabuuang 15.2 milyon ang mga batang papasok sa pagbubukas ng klase. Wala pa sa kalahati ang nababakunahan at 12 araw na lamang at pasukan na.

Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster shots bago ang pagbubukas ng face-to-face classes. Mahalaga umano na mabakunahan ang mga bata sapagkat ito ang proteksiyon laban sa COVID-19. Kailangang mabakunahan sila para handang-handa sa pasukan. Dapat sa pagbubukas ng klase ay bakunado na lahat ang school children.

Ipinangako naman ng Department of Health (DOH) na mababakunahan at mabibigyan ng booster shots ang mga bata bago ang face-to-face classes. Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, DOH officer-in-charge na nakikipag-ugnayan na sila sa LGUs para mapabilis ang pagbabakuna sa mga bata. Magse-setup umano sila ng mobile vaccination sites sa mga school.

Mahalagang mabakunahan ang mga bata bago mag-F2F. Ngayong dumarami ang kaso ng COVID, nararapat na mayroon silang proteksiyon. Siguruhin na mabakunahan sila bago ang pasukan.

vuukle comment

FACE TO FACE CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with