Mga ‘bampira’ nagtipun-tipon sa U.K. para sa Guinness World Record!

MAHIGIT 1,369 katao na naka-vampire costume ang nagtipun-tipon sa Whitby Abbey sa England upang ipagdiwang ang 125th anniversary ng nobelang Dracula ni Bram Stoker.

Bukod sa anniversary celebration, ginawang pagkakataon ito ng mga Dracula fans na subukang makamit ang Guinness World Record title na “Largest gathering of people dressed as vampire”.

Nasa 1,897 attendees ang target na bilang ng mga organizers para maging symbolic sa May 26, 1897 publication date ng Dracula. Hindi man umabot sa nasabing bilang, naging sapat na ang 1,369 vampires para matalo ang previous record holder.

Ang record breaking attempt ay ginanap sa Whitby Abbey, isang Gothic architecture na sinasabing naging inspirasyon ni Bram Stoker habang sinusulat niya ang Dracula.

Ayon sa rulebook ng Guinness, ang bawat “bampirang” dadalo ay ni-require na magsuot ng itim na pants, skirt, dress, sapatos, waistcoat at shirt. Kailangan din na may suot na pekeng pangil upang mapasama sa bilang ng Guinness adjudicator.

 

Show comments