^

Punto Mo

Tupa, makukulong ng 3-taon dahil sa pagpatay sa ginang!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG tupa sa South Sudan ang makukulong ng tatlong taon matapos mapatunayang guilty sa pagpatay sa isang 45-anyos na ginang.

Ang nasabing tupa ay inaresto ng mga pulis noong Mayo 17 dahil sa pag-atake nito sa ginang na si Adhieu Chaping.

Ayon sa panayam ng Eye Radio sa Rumbek East police, agad namatay sa injuries si Chaping matapos siyang atakihin ng tupa at napinsala ang kanyang mga tadyang.

Ikukulong ng tatlong taon ang tupa sa isang military camp sa Aduel County headquarters.

Bilang parusa sa nagmamay-ari ng tupa na si Duony Manyang Dhal, ibibigay nito ang kanyang limang baka bilang danyos perwisyo sa pamilya ng biktima.

Pagkatapos ng tatlong taong pagkakakulong, mapupunta ang tupa sa pamilya ng biktima.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with