^

Punto Mo

Tag-ulan, basura at baha!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NOONG isang linggo opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) sa pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

At kapag pumasok na ang tag-ulan, alam na alam ng mga Pinoy kung anong problema ang kinakaharap. Siyempre ­nangunguna na dyan ang matitinding pagbaha.

Eto nga, ngayon  ay nagsisimula na ang isinasagawang paglilinis sa mga drainage canals at mga daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbaha.

Dito nga kasi bagsak ang maraming Pinoy, sa walang patumanggang pagtatapon ng kanilang basura sa kung saan-saan na lamang.

Kapag bumara sa mga daluyang tubig, nagiging pangunahing sanhi nang pagbaha.

Partikular na nangyayari yan sa mga naninirahan sa tabi ng creek, madalas pa nga na hindi na aakalain na creek ang nakikita dahil sa tambak ng basura.

Ito naman ang madalas ding napapabayaan ng mga kinauukulan lalo na ng ilang LGUs.

Kung mag-iikot lang sana sila sa kanilang nasasakupan, makikita ang problema sa basura na tumabon na sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig.

Saka lang aaksiyunan kung dumating ang sandali na tumindi na ang baha sa isang lugar at doon matutuklasan na basura lang pala ang dahilan.

Dapat talaga may ngipin ang mga ipinatutupad na mga ordinansa sa mga lokalidad tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.

Mistulang napapabayaan ang pagsubaybay dito, na hindi nila namamalayan ay may mala­king perwisyo na naidudulot.

Suyurin nila ang kanilang mga lugar at doon matutuklasan na nagiging tapunan na ng basura ang mga daluyan ng tubig.

Kung kailan  tag-ulan na at saka lamang maiisipan na ito ay maipalinis. Mabuti kung maipapalinis kadalasan kailangan pang tumodo ang baha doon masisilip ang pagkukulang.

Dapat ang unang nakamomonitor nito eh, yung mga opisyal ng barangay, ang masaklap kahit nga malapit sila sa mga creek at kitang-kita na nagiging tapunan na ito ng  basura, aba’y walang pag-aksyon takot manita, takot mawalan ng boto.

Basura pa lang ang usapan dyan, pero hindi na nakikitaan ng political will, paano na sa iba pang mas mabibigat na usapin sa lipunan.

Sa mga walang pakundangan na nagtatapon ng basura sa kung saan-saan, tandaan nyo, ang basurang itinapon nyo babalik sa inyo.

Hindi man ang literal na basura pero pwedeng perwisyo dahil dito ang babawi sa inyo.

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with