Health tips

• Ang pag-inom ng oolong tea ng 3 times a day ay nakakabawas ng pangangati sa mga taong may mild eczema dahil sa compound nitong taglay, ang polyphenols.

• Kapag ang sakit ng ulo ay dulot ng tensiyon, pahiran ng peppermint oil, Tiger Balm, or white flower oil ang inyong sintido. Ang tatlong nabanggit ay may menthol na may analgesic properties.

• Kung nararamdaman mo na natutuyo ang iyong mata, kumain ng isda kagaya ng salmon, mackerel, etc. Ang isda ay may omega-3 fatty acids na nagiging sanhi para magkaroon ng luha ang iyong mata. Ang taong mahilig kumain ng isdang mayaman sa omega-3 ay hindi nakakaranas ng dry eyes.

• Para sa masakit na kalamnan at kasu-kasuan, pahiran ito ng cream or ointment na may capsaicin, na nakukuha sa chile peppers, two or three times a day. Ang init mula sa chilli ang nakakatanggal ng sakit.

• Kung nanunuyo ang balat, kumain ng maraming avocado. Mayroon itong monounsaturated fat at  vitamin E, na mainam sa balat.

• Para sa kalusugan ng ngipin, mainam na kumain ng shiitake  mushrooms at idagdag sa kinakain ang wasabi kung mahilig sa maanghang. Ang dalawang pagkain ay may compounds na pumapatay sa bacteria na nagiging sanhi ng plaque at cavities.

• Sa bagong pag-aaral na ginawa ng Oxford University, ang isang dahilan kung bakit kailangang magbawas ang mga kalalakihang matataba ay upang maiwasan ang prostate cancer.

• Ang regular na pag-exercise ay nakakatulong para labanan ang depresyon.

(Itutuloy)

Show comments