^

Punto Mo

Celfone ni Kenneth Yu, hanap ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKI ang papel na gagampanan ng celfone ni ambush-slay victim Kenneth Yu para malutas ang pananambang sa kanya sa Mandaluyong City. Tinitiyak ni Col. Randy Glenn Silvio, hepe ng National Capital Region (NCR) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may makikita silang datos sa celfone ni Yu na gigiya sa kanila sa motibo at mastermind ng kaso. May report na nakarating kay Col. Silvio na ang celfone ni Yu ay naiwan sa crime scene subalit hindi na ito inabot ng mga nagresponding pulis dahil naipasa kaagad sa kanyang pamilya.

Kaya nanawagan si Col. Silvio sa kaanak ni Yu na i-forward sa kanya ang celfone para mapasailalim ito sa technical/forensic examination nang sa gayon ay makita ang mga text messages at iba pang laman nito. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Inaamin ni Col. Silvio na hindi pa gumugulong ang kanilang imbestigasyon sa kaso ni Yu dahil hinihintay nila ang pakipag-cooperation ng pamilya nito na nasa probinsiya pa. Get’s n’yo mga kosa? Mismooooo!

Na-trace naman ni Lt. Col. Giolbert Papa, ang hepe ng CIDG Provincial Field Unit sa Agusan del Sur itong sina Nicole Ornieta; live-in partner ng biktima na si Merlina Catigbe, anak na si Kim Jay Yu, at si Kristina Apit sa burol ng biktima sa Bayugan City. Si Ornieta ay personal staff ni Yu sa kanyang e-sabong business, samantalang ang anak na si Kim Jay naman ang nag-takeover ng management ng e-sabong mula 2017 hanggang 2021. Si Apit ay asawa ni Kim Jay na kasama nilang naninirahan sa Unit 2106 G.A. Tower 2 EDSA sa Bgy. Malamig, Mandaluyong City habang si Catigbe naman ay nakatira sa ancestral home ni Yu sa Sta. Irene sa Bayugan City.

Sa tulong ni Bayugan City Mayor Kirk Asis, nakausap naman ni Lt. Col. Papa sina Catigbe at Kim Jay sa opisina ng una at nangako silang makikipag-cooperate sa imbestigasyon ng CIDG matapos mailibing si Yu nitong nakaraang Miyerkoles. Sa pag-uusap ng magkabilang kampo, hindi pa binanggit nina Kim Jay at Catigbe kung nasa custody nila ang celfone ni Yu. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kelangan bang i-memorize ‘yan mga kosa?

Sinabi pa ni Col. Silvio na hindi na nila aabalahin si Noralyn Galvez, ang unang asawa ni Yu na tubo ng Bislig, Surigao del Sur bunga sa may nakaambang kaso ng annulment of marriage ang dalawa. Si Yu ay may dalawang anak kay Galvez, na sa huling ulat ay nakatira sa Cagayan de Oro City. Dahil sa nailibing na si Yu, hinihintay na lang ni Col. Silvio na sumulpot sa opisina n’ya sina Catigbe, Kim Jay, Ornieta at Apit dahil malaki ang maitulong nila para umusad ang kaso ng ambush-slay. Mismooooo! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Si Yu, na chief security ng isang gambling lord, ay galing sa Lipa, Batangas nang ambusin ng di ba kilalang suspects sa G. A. Tower A kung saan siya ibinaba ang driver at bodyguard niya noong Mayo 1. Maraming motibo ang umiikot sa mga sabungero subalit ayaw pangunahan ni Col. Silvio ang imbestigasyon nila sa kaso. Mismooooo! Abangan!

CIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with