^

Punto Mo

Mag-asawa sa India, idinemanda ang kanilang anak dahil hindi sila mabigyan ng apo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mag-asawang senior citizen sa Uttarakhand, India ang idinemanda ang kanilang unico hijo dahil hindi sila nito mabigyan ng apo!

Idinemanda ni Sanjeev at Sadhana Prasad ang kanilang anak na si Sagar dahil umano sa “mental harassment” na idinulot nito sa kanila. Ayon sa mag-asawa, malaking pera ang ginastos nila para sa edukasyon at professional training nito.

Sinustentuhan din nila ang anak noong wala pa itong mahanap na trabaho. Gumastos at nag-abala rin sila para maging engrande ang kasal at honeymoon nito noong 2016.

Sa laki ng perang nagastos nila, umaasa sila na magkaroon ng apo ngunit nalaman nila na wala pala itong balak magkaroon ng anak kaya idinemanda nila ito. Ayon kay Sanjeev, ginamit nilang mag-asawa ang ilang milyong life savings para sa pilot training course nito sa Amerika, kasal, honeymoon at kotse.

Sa panayam sa kanilang abogado na si Arvind Kumar Srivastava, idinemanda ng mag-asawa ang kanilang anak dahil sa “mental cruelty”. Gusto nilang pagbayarin ito ng 25 million rupees para sa nagastos nila dito at 25 million rupees para sa danyos perwisyo. Pero kung magkakaroon ng anak si Sagar at ang kanyang asawang si Shubahangi sa loob ng isang taon, iuurong nila ang demanda.

INDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with