^

Punto Mo

Bagong tuklas na uri ng millipede, ipinangalan kay Taylor Swift!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NATUKLASAN ng entomologist na si Derek Hennen ng Virginia Tech University ang isang bagong uri ng millipede. Pinangalanan niya itong Swift Twisted-Claw Millipede at ang scientific name nito ay Nannaria swiftae.

Ang pagkakatuklas dito ay bahagi ng research paper ni Hennen kasama pa ang dalawang siyentipiko. Bukod sa Nannaria swiftae, may 17 new species ng millipede silang natuklasan.

Pinangalan ni Hennen ang bagong tuklas niyang specie ng millipede sa ngalan ng sikat na singer na si Taylor Swift. Ginawa niya ito bilang pasasalamat sa singer dahil ang mga kanta nito ang nagbigay inspirasyon sa kanya na huwag sumuko mula sa mga problemang pinagdadaanan.

Ang isa pa niyang dahilan ay natagpuan niya ang Swift Twisted-Claw Millipede sa Tennessee, ang state kung saan nagsimula si Taylor Swift sa kanyang singing career.

Bukod dito, ipinangalan naman niya sa kanyang misis na si Marian ang isa pa niyang bagong tuklas na specie, ang Nannaria Marianae.

vuukle comment

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with