^

Punto Mo

Marian, maglalaro kay Dingdong

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marian, maglalaro kay Dingdong

Maglalaro bukas sa Family Feud ang Dantes Squad headed by Marian Rivera.

Ito ang first time na maglalaro si Yan sa game show ni Dingdong.

Excited ang mag-asawa na mapanood ng fans ang nasabing episode.

Kilalang matili si Yan kaya ‘riot’ ito.

Ito ay bago ang airing ang Jose & Maria’s Bonggang Villa sa May 14, ang first ever comedy show nilang mag-asawa.

Sila ang papalit sa Agimat.

“Blessing talaga ito sa amin. Kasi laging pinag-uusapan naming sa bahay, kelan kaya tayo magtatambal. At ito nan ga ‘yun,” sabi ni Marian kung saan nga co-producer silang mag-asawa.

Pangako nila na gagawin nilang bonggang-bongga ang nasabing timeslot.

Kilala nang comedian si Marian, pero si Dong may pagka-serious kaya naman aminado siyang kakaiba ang character niya rito.

Dinirek ito ni Sweet Lapuz, na ang feeling nila ay another John En Marsha.

Jodi, ayaw manahimik!

Bongga si Jodi Sta. Maria, kinarir ang pagbabahay-bahay sa paniwalang hindi ito ang panahon upang manahimik.

Kasama ang iba pang volunteers, nag-ikot ang aktres sa Barangay Tumana sa Marikina City kama­kailan para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan at human rights lawyer Chel Diokno, na tumatakbo bilang pangulo, bise presidente at senador, ayon sa pagkakasunod.

“This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for,” pahayag ng aktres.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink,” dagdag pa ni Dr. Jill ng The Broken Marriage Vow.

“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, etong mga bagay na ginawa, para sa Pilipinas,” sabi pa niya kung bakit siya kumakampanya.

Nang tanungin kung bakit sila, sinabi ng aktres na nakikita niya ang kanyang core values sa tatlong kandidato.

“Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na napaka-importante sa akin bilang tao.”

Nagpasalamat naman ang aktres sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Tumana. 

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with