School sa Texas, U.S.A., 35 pares ng kambal ang sabay-sabay ga-graduate ng high school!

Isang school district sa Mansfield, Texas ang magkakaroon ng isang special graduation ceremony dahil 35 pares ng kambal ang magtatapos ng high school dito!

Ang Mansfield Independent School district ay may 2,600 graduating students sa limang magkakaibang high school at 73 sa mga ito ay mga kambal at triplets.

Dahil posibleng hindi na maulit ang ganitong klaseng pagkakataon sa kanilang distrito, nagdesisyon ang Mansfield Independent School district na magkakaroon ng special ­ceremony ang 73 students upang ipagdiwang ang graduation ng 35 pares ng mga kambal at isang set ng triplets.

Natuwa ang 73 estudyante sa inihandog na special na ceremony para sa kanila dahil itinuring na nila itong farewell party dahil karamihan sa mga magkakambal ay magkakahiwalay na dahil sa magkakaibang kolehiyo na sila mag-aaral.

Magaganap ang special graduation ceremony sa Vernon Newsom Stadium sa Mayo 31, 2022.

Show comments