^

Punto Mo

Halaga ng nasirang laptop, maari bang ibawas sa final pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari bang bawasin ng employer ko ang halaga ng company laptop na nasira ko mula sa matatanggap kong final pay? —Allen

Dear Allen,

Bagama’t binibigyan ng importansiya ng ating batas  ang kapakanan ng mga manggagawa, hindi naman ibig sabihin nito ay maari nang balawalain ang karapatan ng mga employers kabilang na ang kanilang property rights o ang karapatan nila sa kanilang mga ari-arian.

Sa kaso ng Milan v. NLRC (G.R. No. 202961, 04 February 2015), kinilala ng Korte Suprema ang karapatan ng employer na bawasan ang sahod na natatanggap ng empleyado para sumagot sa “debt” o pagkakautang ng huli, base sa Article­ 1706 ng Civil Code. Ayon sa nasabing kaso, ang salitang “debt” sa Article 1706 ay tumutukoy sa anumang obligasyon ng emple­yado sa kanyang employer.

Ibig sabihin, maari kang papanagutin ng kompanya para sa laptop na ayon sa iyo ay nasira mo, sa pamamagitan ng pagbawas ng halaga ng nasirang laptop mula sa iyong final pay. Iyon nga lang, kailangang patas ang halagang iaawas sa sahod mo. Tingnan mo kung tama ang valuation o ang pag-estima sa kasalukuyang halaga ng laptop. Kung masyadong malaki at sa tingin mo ay hindi karapat-dapat ang halagang binawas sa iyong final pay, maari kang magreklamo sa opisina ng DOLE na pinakamalapit sa iyong pinagtatrabahuhan.

SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with