^

Punto Mo

Alak na gawa sa tae ng elepante, matatagpuan sa South Africa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KASALUKUYANG ini-export sa iba’t ibang bansa ang Indlovu gin, ang kakaibang gin na ang main ingredient ay nagmula sa tae ng elepante!

Inimbento ang Indlovu gin ng mag-asawang biologists na sina Paula at Les Ansley, nang sila’y manirahan sa South Africa.

Nagsimula ang ideya nila nang unang beses bumisita sila sa isang animal reserve sa South Africa. Natuklasan nila na mapili ang mga ­elepante sa kanilang kinakain na mga halaman at prutas. Nalaman din nila na 50 porsiyento lamang ng nakain ng elepante ang nada-digest kaya ang mga halaman at prutas na kinain nito ay buong lumabas sa tae.

Ang proseso sa paggawa nito ay pinatutuyo muna ang tae bago dumaan sa ­sterilization process. Pagkatapos ma-sterilize, babanlawan ito at papatuyuin muli. Ang huling stage nito ay ihahalo na sa gin.

Noong 2019 unang nilabas sa merkado ang gin at ­maraming pumuri sa lasa nito. Ayon sa mga nakasubok uminom, meron itong “earthy, grassy-type flavor”.

Sa kasalukuyan, 15% ng kinikita mula sa Indlovu gin ay dino-donate sa pangangalaga ng mga elepante sa South Africa.

SOUTH AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with