^

Punto Mo

60-anyos na babae, nadedbol sa pila ng ayuda ng kandidato sa QC!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGPAMUDMOD ng stubs ang kampo ni Quezon City 5th district congressional bet Rose Lin sa taga-Pink Flamingo Rainbow Homes 1 sa Bgy. San Bartolome kung saan ang may hawak nito ay mabibigyan ng ayuda. Kasama sa nabigyan ng stub ay ang 60-anyos na si Emelita Deguangco. Subalit imbes na kasayahan ang magiging dulot nitong ayuda ni Lin kay Deguangco, nauwi ito sa pagluluksa ng kanyang pamilya. Sa sobrang tagal kasi na paghihintay ni Deguangco ng ayuda, mula P500 hanggang P1,000. nabilad ito sa init ng araw sa pila at hinimatay sa headquarters ni Lin sa Bgy. San Bartolome.

Siyempre, hindi naman nag-aksaya ng oras ang mga bataan ni Lin at itinakbo sa Novaliches District Hospital si Deguangco gamit ang van ng kandidato bandang 1:45 p.m. Tsk tsk tsk! Magsisilbing bangungot sa kandidatura ni Lin ang kamatayan ni Deguangco dahil mauungkat ito sa mga campaign rally niya na magsisimula ngayong araw, ‘di ba mga kosa? Hak hak hak! Nadagdagan ang pasaning isyu ni Lin, na naging kontrobersiyal din dahil sa hinanting siya ng Senado na nakaladkad ang kanyang pangalan sa Pharmally. Dipugaaaaa!

Personal na inikot ni Lin at mga bataan niya ang Rainbow Homes 1 para mamigay ng stubs na ang katumbas ay pitsa. Maganda naman ang layunin niya. Sa sobrang hirap kasi ng mga Pinoy sa panahon ng pandemya, aba sino ba ang tatanggi sa grasya? Mismooooo!

Hindi na umano nagpaalam si Deguangco sa kanyang mga kaanak at sumugod sa campaign headquarters ni Lin kung saan mahaba ang pila. Dahil sa tanghaling tapat at walang tubig na ipinamigay ang kampo ni Lin at sa sobrang tagal na nakatayo, hinimatay si Deguangco. Ang kainaman lang, hindi naman nagpabaya si Lin dahil may care din siya sa biktima, di ba mga kosa?

Kaya dapat abo’t langit ang tulong na iaabot ni Lin sa pamilya ng biktima para hindi na mabanggit ang isyu tuwing iikot siya para mangampanya. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Matatandaan na si Lin ay ipinaaresto ni Sen. Dick Gordon, ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pang-iisnab sa public hearing ng Senado at hindi pagsagot sa mga tanong patungkol sa pangungurakot sa isyu ng Pharmally. Kailan lang sumulpot sa Quezon City si Lin na umano’y may-ari ng Pharmally, na nagbenta ng overprixed medical supply sa gobyerno ni President Digong noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Subalit nitong nagdaang mga araw, nakakuha ng temporary restraining order (TRO) si Lin sa Quezon City Regional Trial Court (TRO) kaya nagawa niyang mag-ikot sa buong 5th district kung saan siya kumakandidato.

Dapat imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) si Lin kung totoong namimigay siya ng pera sa headquarters nito dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na vote-buying ito. Tumpak! Dipugaaaaa!  Hak hak hak! Saan kaya kinukuha ni Lin ang pitsang ipinamumudmod niya? Araguuyyyyyy! Abangan!

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with