^

Punto Mo

Daing ng mga ­balikbayan sa hotel ­quarantine facilities, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATINDING hirap pala ang dinadanas ng marami nating umuuwing kababayan na kailangang sumailalim sa mandatory quarantine, lalo na yung nagpopositibo sa COVID.

Grabe ang itinatagal ng karamihan sa mga quarantine facilities na nakalagak pa sa mga hotel quarantine facilities na sila pa nga ang nagbabayad.

Kadalasan kasi kailangan muna silang masuri sa COVID-19.

Sa isolation facilities sila namalagi habang hinihintay na matapos ang isolation period kasama na run dyan ang resulta ng RT-PCR COVID test para makatiyak na negatibo sila sa COVID bago sila tuluyang makauwi.

Sa nagiging problema sa karamihan, madalas na sumosobra na sila sa itinakdang araw ng kanilang quarantine pero hindi pa rin sila napapalabas sa mga pasilidad dahil sa mabagal umano na pagkakuha ng result ng isinagawa nilang test.

Kahit pa umano sila nagpa-follow up madalas wala silang nakukuhang kasagutan.

Ang matindi pa rito sa tagal nila sa mga hotel quarantine ubos na ang kanilang pera.

Bayad sa hotel at sa pagkain pa lamang nila sa araw-araw ubos na ang kanilang naipon lalo kung tatagal pa sila ng maraming araw.

May ilan pa umanong hotel,  ayon sa pagbubunyag ng ilan nating kababayan bawal pa ang magpasok ng pagkain sa loob. Kaya doon ka mismo oorder sa kanila ng pagkain.

Eh siyempre ano ang aasahan mo, taga dito, taga doon.

Ayon pa sa mga balikbayan lalo na yung mga nagpopositibo na madalas na wala silang nakukuhang instruction sa Bureau of Quarantine (BOQ) kaya sila natetengga nang husto sa mga hotel at doon lumolobo nang husto ang kanilang bayarin.

Mas lalu na umano kung positive ang lumabas sa kanilang mga COVID test. Wala naman umanong mga doktor na tumitingin sa kanila, walang gamot na dapat nilang inimin at maging ang kanilang kuwarto hindi nalilinis dahil nga sa kanilang kalagayan.

Katwiran naman dito ng BOQ natambakan umano sila ng mga iprinoposong dokumento habang kulang sila sa tao. Kaya nga kung kailangan sa mga umuuwi nating kababayan na sasailalim sa quarantine period palipat na lamang kayo.

Pwede naman yang ipakiusap sa BOQ na ‘wag na kayong dalhin dyan sa mgahotel facilities . May ibang pasilidad na walang bayad, hindi kayo malalanos kahit pa kayo magtagal.

Lumalabas na nadodoble talaga ang nagiging kalbaryo ng mga ito. Tinamaan na ng COVID, tinamaan pa ng ‘taga’ sa mga hotel quaratine facilities.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with