^

Punto Mo

Facts tungkol sa aswang (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• May dalawang klase ng aswang na lumilipad: 1) Lumilipad na buo ang katawan at 2) Lumilipad lang ang kalahati ng katawan. Iniiwan nila ang lower part sa sagingan at pinagmumukha itong puno ng saging kapag aksidenteng nakita ng ibang tao.

• Kapag ang lower part na iniwan sa sagingan o saan mang lugar ay inilipat ng lugar ng aswang hunter wala nang pag-asa na makalanding ang aswang at manumbalik ang anyong tao nito. Kapag umabot ng umaga at hindi pa niya makita ang kalahati ng kanyang katawan, ito na ang magiging katapusan niya.

• Bago siya mag-anyong aswang, o makalipad, sila muna ay nagsasagawa ng seremonyas kagaya ng pagpapahid ng langis mula sa dulo ng kanyang mga daliri, dadaan sa katawan hanggang sa daliri sa paa. May orasyon silang sinasambit habang nagpapahid ng langis sa katawan. Sila mismo ang gumagawa ng magic oil na ang sangkap ay kinapapalooban ng langis ng niyog na pinitas sa mada­ling araw, ipot ng manok at nabubulok na human flesh o dugo ng tao.

• Pagkatapos ng seremonyas, ang hitsura niya ay magbabago: Maninigas ang kanilang buhok na parang kuwerdas ng gitara, ang ngipin nila ay magiging matulis at ang kuko nila sa kamay ay humahaba at nagiging matulis dahil ito ang ipinandudukot nila ng atay at puso ng kanilang biktima.

• Ang ngipin ay kailangan din maging matulis dahil matapos kainin ang atay at puso, kinakain din nila ang buong bangkay.

• Kapag lumilipad na sila ay may kasabay silang ibon na humuhuni ng tik-tik o wak-wak. Ang mga ibon ang tila nag-a-announce ng kanilang pagdating. Kaya kapag nakarinig kayo ng ganitong huni, ang ibig sabihan noon: aswang is just around the corner. (Itutuloy)

vuukle comment

GHOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with