^

Punto Mo

‘Streaming’ hahalili sa TV

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAPAULAT kamakailan ang pahayag ng isang kilalang film/television director, writer at talent manager na si Johnny Manahan na nagsasabing posibleng pumalit sa TV ang streaming. “Hindi mo ito mapipigilan. Sasabay ka na lang sa agos,” sabi niya patungkol sa hinaharap ng telebisyon dahil sa pagkakauso ng mga streaming media tulad ng Netflix, YouTube, HBO, IWantTFC, at iba pa na nagpapalabas ng mga pelikula, palabas sa telebisyon, teleserye, noontime shows, sit-com  at iba pa na dating napapanood lang sa mga ordinaryong telebisyon. May mga pelikula nga na ginagawa at ipinalalabas na lang sa mga streaming media na ito.

Maaaring personal na obserbasyon o opinyon iyon ni Manahan pero hindi malayong ­mangyari dahil may mga bagay na naluluma at nawawala sa pagsulpot ng mga makabagong bagay sa bawat pagsulong ng teknolohiya.

Matutulad siguro ang telebisyon sa mga sinehan na unti-unti nang tinatalo ng mga streaming media o platform  na ito. Nararamdaman na ito bago pa man pumutok ang pandemya. At, dahil sarado ang mga sinehan at walang katiyakan kung makakapagbukas pa ang mga ito kahit matapos ang pandemya, lalong nakakatutok ang mga tao sa streaming media.

May nakausap nga ako na isang overseas Filipino worker na, habang nasa abroad siya, hindi na siya nanonood sa ordinaryong telebisyon.

Sa streaming media na lang siya nanonood ng mga pelikula at palabas sa telebisyon. Sa pamamagitan ng computer, laptop, smartphone o tablet, maaari na ring mapanood sa mga gadget na ito ang mga palabas sa telebisyon at maging ang mga pelikula. Mapapansin nga sa social media lalo na sa Facebook ang mga post o comment ng maraming netizen patungkol sa mga napapanood nila sa streaming media.

Nagpapatindi sa naturang pangitain sa hinaharap ng telebisyon ang pagsulpot ng mga smart TV na merong WiFi na daan para makakonekta ito sa internet at makapanood dito ng mga palabas sa streaming media.  Hindi na nga kailangang magpakabit ng cable para makapanood ng mga pelikula  nang walang commercial break.

Pero, marahil matatagalan pa bago mawala ang telebisyon. Factor din kasi rito ang ekonomiya. Kailangan kasi meron kang internet connection para makapanood ka sa streaming media. Hindi rin naman kasi ganap na libre ang internet connection. At may mga streaming media na kailangang magbayad ang nais makapanood ng kanilang mga palabas.

Marami pa ring mga tao na walang access sa internet. At kahit nauuso ang maninipis na smart TV, meron pa ring mga gumagamit ng mga nalaos nang klase ng telebisyon na matataba at mabibigat ang kaha. Napakamahal din ng smart TV kaya nagtitiyaga na lang sa mga naluma nang matatabang TV ang mga walang kakayahang makabili ng mga hi-tech.  Paano pa sa kaso ng mga walang pambili ng computer o smartphone?  Hindi ka makakapanood ng streaming media kung wala kang smart TV, smartphone, computer at internet connection.

Sinabi naman ni Manahan sa naturang ulat na kailangan pa ring mapaunlad ang steaming business para kumita talaga ng pera  rito ang mga tao. Pero nakakatiyak anya siya na matatabunan nito ang broadcast TV bagaman ikinalulungkod niya ang senaryong ito dahil sa TV siya nanggaling.

• • • • • •

Email: [email protected]

 

 

vuukle comment

HBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with