Eleazar, sinisiguro na peaceful at orderly ang 2022 elections!

MAGANDA ang naging resulta sa kampanya ng kapulisan laban sa private armed groups (PAGs) at loose firearms kaya sinisiguro ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na magiging peaceful, orderly at honest ang May 2022 elections. Ayon kay Eleazar, maraming gunrunners, at mga miyembro ng PAGs ang naaresto samantalang marami ring baril ang nakumpiska kaya nasa tamang landas lang ang security preparations nila para sa darating na Mayo.

Magsisimula na ang filing of candidacy sa darating na Biyernes kaya pinaigting ni Eleazar ang intelligence build-up at monitoring sa mga pulitikong tatakbo sa halalan, lalo na sa area kung saan may mataas na kaso ng election-related incidents sa mga nakaraang elections. “Target natin dito ang mga private armed groups at mga baril na maari nilang gamitin sa paghasik ng karahasan,” ani Eleazar.

Binitiwan ni PNP chief ang kanyang pangako na magiging malinis at tahimik ang darating na halalan matapos manawagan si President Digong sa publiko na sundin ang rule of law para maiwasan ang kaguluhan sa 2022 national at local elections. Hihihi! Kaya na ng PNP natin ‘yan! Dipugaaaaaa!

Sinabi pa ni Eleazar na walang humpay ang kanilang pakikipagpulong sa mga opisyales ng Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensiya ng gobyerno patungkol sa seguridad ng May elections, kasama na rito ang pag-identify ng mga election hot spots at mga grupo na maaring gamitin ng mga pulitiko para harasin ang kanilang mga kalaban.

Kung ang coordination at interoperability sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay epektibo sa pakikipaglaban vs droga, gagamitin din ng PNP ang kakayahan na ito para sa seguridad ng elections, ang dagdag pa ni Eleazar. Kung sabagay, hindi na bago itong magandang relasyon ng PNP at AFP kung ang seguridad sa election period ang pag-uusapan, di ba mga kosa? Mismoooooo! Dipugaaaaaa!

Kung sabagay, matagal pa ang election ay nagsagawa na ang PNP ng maigting na kampanya laban sa PAGs at loose firearms at nagtagumpay naman sila dahil maraming naaresto na nagbebenta ng baril at nakumpiskang armas.“Naniniwala ang inyong PNP na sa maagang paghahanda sa halalan sa susunod na taon, mas matitiyak natin na hindi makakaporma ang mga tao at grupo sa kanilang mga masasamang balak upang isabotahe ang eleksyon para sa kani-kanilang personal na interes,” ani Eleazar. “Lalo pa natin pinalakas ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa AFP at iba pang law enforcement agencies dahil sa bandang huli, kabilang kami sa mananagot sa taumbayan kung hindi namin maprotektahan ang kanilang boses sa pagpili ng mga lider na mamumuno ng ating bansa,” ang pagtatapos ni Eleazar. Dipugaaaaaaa! Abangan!

Show comments