Kumpol ng buhok ni Elvis Presley, naibenta sa halagang $72,500!

ISANG kumpol ng buhok ng sikat na singer na si Elvis Presley ang naibenta sa isang subasta sa halagang $72,500 dollars (katumbas ng P3.6 million). Ang nagsubasta ay ang Kruse GWS Auctions.

Bukod sa buhok ni Elvis, ipinasubasta rin ng auction house ang jumpsuit na ginamit ng singer nang magtanghal ito noong 1972  sa Madison Square Garden sa halagang $1,012,500.

Ang kumpol ng buhok na kasing laki ng bola ng baseball ay may kalakip na dokumentasyon na nagpapatunay na ang buhok ay nanggaling talaga kay Elvis Presley.

Ayon pa sa kanila, nakolekta ang buhok mula kay Homer Gilleland, ang personal barber ni Elvis sa loob ng dalawang dekada.

Sa tuwing ginugupitan ni Homer si Elvis, kumukuha siya ng buhok mula sa pinag­gupitan nito at itinatago niya sa isang maliit na plastic bag.

Kasama sa mga dokumentasyon ay ang certificate of authenticity mula kay John Reznikoff ng University of Archives, ang tinaguriang “World’s most trusted authority in the field of hair collecting”.

 

Show comments