_pang-masa
^

Punto Mo

‘Unlimited kindness’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NABALITAAN kong namatay na ang dati kong kasamahan sa trabaho. Naalaala ko ang pinagsamahan namin. Naging kaibigan ko siya noong panahong ako ay naglilihi sa aking panganay. Factory worker siya sa kompanya. Supervisor ako pero hindi ko siya tauhan.

Nagsimula ang aming pagkakaibigan nang minsang nangailangan ako ng labandera. Iprinisinta niya ang kanyang ate. Simula noon ay naging close kami. Nang maglihi ako, siya ang inuutusan ko laging bumili ng mga pagkaing napaglilihian ko sa mga katabing tindahan malapit sa opisina. Minsan ay binibiro ako ng aking mga kaopisina.

“Naku kung hindi namin bistadong ‘beki’ ‘yang si Ricky, iisipin naming may “something” sa inyong dalawa.”

Pinakikisamahan akong mabuti ni Ricky dahil ang kapalit noon ay pangu­ngutang sa akin anumang oras na kailangan niya ng pera. Minsan sa sobrang pagtulong ko sa kanya ay nagsanla ako ng singsing.

Maysakit ang kanyang ate na nagsa-sideline sa akin bilang labandera. May kalakihan ang  halaga na inuutang sa akin. Marami akong binayarang bills kaya wala akong maipautang.

Ibinigay ko ang aking singsing para siya ang magsanla. Noon niya napa­tunayan kung gaano kalaki ang tiwala ko sa kanya. Noon ko rin napatunayan na kaya ko palang magbigay ng “unlimited kindness” sa mga taong tunay din kung makisama sa akin.

“Sometimes it takes only one act of kindness and caring to change a person’s life.” – Jackie Chan

WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with