^

Punto Mo

Pondo sa ayuda, pinahahanap pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagpasya na ang Pangulong Digong na magpapatupad ng lockdown sa  Metro Manila simula sa Biyernes (Aug. 6-20) dahil sa pagtaas ng kaso ng  COVID at ng Delta variant.

Ibig sabihin, balik tayo sa mas mahigpit na quarantine res­trictions­.

At kapag naririnig ang lockdown, siyempre unang ita­tanong ng ating mga kababayan ay ang tulong mula sa pamahalaan o ang ayuda.

Kasi naman marami talaga  ang siguradong maaapektuhan na naman ng lockdown.

Yung iba nga kasisimula pa lang, ‘di pa nakakabangon eto na naman ang ECQ.

Ang tila mabigat  dito, wala na yatang pondo para sa ayuda.

Gayunman, pinagagawa o pinahahanap pa ng pamahalaan ng pondo ang DBM para sa ayuda.

May panukala din na utangin muna ng national gov’t sa mga local government units ang ibibigay na ayuda sa kanilang mga nasasakupan na maaapektuhan ng lockdown.

Tiniyak naman ng Palasyo na magbibigay ng ayuda sa mga nasa ECQ.

Pero ang tanong, hanggang saan ang itatagal nito lalo na nga’t hindi tayo nakakatiyak kung hanggang sa Aug. 20 nga lang ang lockdown. Paano na kung mag-extend na naman at tumagal, apektado na naman ang ekonomiya at kabuhayan ng mga indibiduwal.

Sa ngayon tiyaga-tiyaga lang muna pero siyempre talagang kailangan ang tulong mula sa pamahalaan. Hindi man ito ang gusto ng marami eh talagang wala silang mapagkukunan lalu at makukulong na naman silasa loob ng kanilang bahay.

Pero kailangan din naman na tumulong tayo sa pamahalaan  para makabalik na nga sa normal.   Huwag nang magdalawang isip na magpabakuna at sumunod   sa pinaiiral na safety protocols para mapigilan ang hawaan at pataas ng kaso ng COVID.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with