_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Bilisan ang pagbabakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Bilisan ang pagbabakuna

NOONG Huwebes, inatasan ni President Duterte ang mga pulis at kapitan ng barangay na limitahan ang paglabas ng mamamayan na ayaw magpabakuna. Ayon sa Presidente uutusan niya ang mga pulis na ibalik sa bahay ang mga taong lumalabas na wala pang bakuna dahil ang mga ito ang posibleng magkalat ng virus. Wala aniyang katapusan ang problema kung hahayaang lumabas ang mga tao na ayaw namang magpabakuna. Kapag pinagbigyan daw ang mga tao ay wala nang katapusan ang pagkalat ng virus. Ang kautusan ng Presidente ay kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID Delta variant kung saan umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso. Ayon sa Department of Health (DOH), 97 bagong kaso ng Delta variant ang natukoy. Sinabi naman ng OCTA Research Group na maaaring lomobo ang kaso ng Delta variant ngayong buwan na ito. Iminungkahi ng OCTA ang mahigpit na restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng Delta variant. Isinailalim muli ang Metro Manila sa general community qua-rantine (GCQ) with heightened restrictions mula Agosto 1-15.

Ang kautusan ng Presidente na huwag palabasin ang mga hindi pa bakunado ay mahirap ipasunod lalo pa at marami pa ang hindi bakunado. Marami ang aangal. Paano ang mga manggagawa na hindi pa nababakunahan? Paano sila kikita kung hihigpitan ang paglabas ng bahay? Paano sila kakain?

Puwede ang gusto ng Presidente kung bibigyan ng ayuda ang mamamayan na wala pang bakuna. Kung walang maipagkakaloob, mahirap ang gustong mangyari na huwag palabasin ang mga walang bakuna.

Pinakamagandang magagawa ng pamahalaan ay apurahin o bilisan ang pagbabakuna. Marami naman ang gustong magpabakuna pero ang problema ay ang ibabakuna. Kulang ang suplay. Marami ang nagtitiyagang pumila kahit madaling araw pero pagdating sa dulo ay saka sasabihin na hindi sila umabot sa quota.

Gawing 24-hour ang pagbabakuna. Hindi na rin dapat pahirapan ang mga magpapabakuna na kailangan pa ang kung anu-anong ID. Tanggapin din ang mga walk-in para mabakunahan lahat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with