_pang-masa
^

Punto Mo

Kakaibang Eba (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INIANGKAS ni Piolo sa sinasakyang kalabaw si Mariz.

‘‘Marunong ka na talagang mangalabaw, Piolo. Sanay ka nang manimbang kahit may kaangkas.’’

“Mas madaling mangalabaw kaysa magbisikleta ‘di ba?’’

“Oo naman.’’

“Ang sarap pala kapag nasa ibabaw ng kalabaw, ha-ha-ha!’’

“Tanaw na tanaw mo ang kabuuan ng bukid. Tingnan mo yung mga inarararo natin.’’

“Oo nga.’’

“Doon tayo sa dako roon. Dun sa may sapa para makainom itong kalabaw. Uhaw na siguro ito dahil napagod sa pag-aararo.’’

Tinungo nila ang dakong sapa.

Malinaw na malinaw ang tubig.

Hinayaan nilang uminom ang kalabaw habang sakay sila.

Napansin ni Piolo ang pag-inom ng kalabaw. Marami palang uminom ang kalabaw.

‘‘Maraming uminom ang kalabaw dahil napagod. At saka mainit ang panahon.’’

“Ilang litro kaya ang iniinom nitong kalabaw?’’

“Marami. Natatandaan ko noon ay pinakakain muna ni Itay Nado ng asin ang aming mga kalabaw bago painumin ng tubig.”

“Bakit? Anong silbi ng asin sa kalabaw?’’

“Nakakadagdag daw ng lakas. Kapag nakakain ng asin ang kalabaw, mas maraming naiinom at mas lumalakas, sabi ni Itay Nado.’’

“Ganun pala.’’

Nang matapos uminom ang kalabaw, tumawid sila sa sapa.

‘‘Dun tayo sa damuhang iyon para makakain itong kalabaw.’’

‘‘Bababa tayo?’’

‘‘Oo. Habang nangunguha tayo ng bayabas, sumasabsab naman ng damo ang kalabaw.’’

Itinali nila ang kalabaw sa punong banaba at saka nila tinungo ang bayabasan. Maraming bunga ang bayabas. Umakyat si Piolo at pumitas ng mga bunga.

Nang pinupulot ni Mariz ang mga bunga, isang kobra ang lumitaw at akmang tutuklawin siya.

“Piolo!’’ sigaw niya. (Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with