_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Ingat, nasa high risk uli ang NCR

Pang-masa
EDITORYAL - Ingat, nasa high risk uli ang NCR

NAKABABAHALA ang sinabi ng OCTA Research Group na nasa high risk ang National Capital Region (NCR) dahil sa mabilis na hawahan. Ayon sa OCTA, tumaas pa sa 1.15 ang COVID-19 reproduction number sa NCR makaraang makapasok sa bansa ang Delta variant. Ayon kay Dr. David Guido ng OCTA Group, masasabing mabilis ang hawahan ng COVID kapag mataas sa isa ang reproduction number. Ayon pa kay Guido, kapag nagpatuloy ang mabilis na paghahawahan, maaaring sumipa sa 10,000 ang kaso bawat araw ng COVID. Posible umano itong mangyari sa mga susunod na linggo.

Habang nagbababala ang OCTA sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID, inihayag naman ng Department of Health (DOH) na may 12 pang kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa. Mga lokal na kaso umano ang mga bagong naitalang kaso. Dahil dito, umakyat na sa 47 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Sa nangyayaring ito, nararapat na magpatupad ng ibayong paghihigpit para maiwasan ang bangis ng Delta variant, na ayon sa mga eksperto ay mas mabilis makahawa. Ang Delta variant ang kasaluku-yang nananalasa Indonesia. Bago ang pananalasa sa Indonesia, ang variant ding ito ang kumalat sa India na maraming namatay. Sa dami ng namatay sa India noong Mayo, sa open space na sinusunog ang mga bangkay. Ang iba, inililbing sa tabing dagat at iba ay pinaaanod sa Ganges River.

Ang paghihigpit sa border ang nararapat gawin ng pamahalaan. Huwag hayaang may makapasok na dayuhan lalo kung galing sa mga bansa na may kaso ng Delta variant.

Huwag nang palabasin ang mga bata sapagkat delikado silang mahawa ng Delta variant. Ipagpatuloy ang paghihigpit at laging ipaalala sa mamamayan na sundin ang health protcols. Magsuot ng face mask at face shield at huwag kalimutan ang social distancing. Mag-ingat sa mabangis na Delta variant.

NATIONAL CAPITAL REGION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with