^

Punto Mo

‘COVID scare’!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang ramdam daw ang COVID scare sa kasalu­kuyan­ dahil sa banta ng Delta variant.

Katunayan yan sa mga dinaragsa ngayong vaccination sites partikular sa Metro Manila.

Nagkakaroon pa nga ng kaguluhan sa  ilang lugar.

Eh talagang mas marami ngayon ang nagnanais nang matu­rukan ng bakuna.

Kung dati bakuna ang naghihintay sa mga babakunahan, ngayon tao ang naghihintay sa bakuna dahil sa rami  ng gusto nang maturukan.

Matapos aminin ng DOH na mayroon ng local cases ng Delta variant, d’yan na mistulang nabahala ang marami.

Ayan na nga at inihirit na rin ng mga Metro Manila mayors sa IATF na suspendihin na ang patakaran sa pagpapalabas sa mga bata nasa edad 5-anyos pataas dahil nga sa banta ng Delta variant.

Matindi kasi ang variant na ito na sinasabing mabilis na makahawa at mas delikado pa.

Kung patuloy na tataas ang kaso ng Delta variant, nagpauna na rin ang pamahalaan sa posibleng­ muling pagpapatupad ng mas mahigpit na restrictions.

‘Yan pa ang isa sa ikinatatakot ng marami, kasi nga baka bumalik tayo sa dati katulad noong magkaroon ng surge sa kaso ng COVID.

Ibig lang sabihin, malamang na maapektuhan na naman ang hanapbuhay at kabuhayan ng ating mga kababayan, ‘wag naman sanang mangyari.

Baka kasi hindi na kayanin sakaling bumalik na naman tayo sa mahigpit na lockdown.

Ang magagawa natin sa ngayon ay sundin ang ipinaiiral na safety protocols at mga ipinatutupad na patakaran nang hindi na tuluyang bumalik sa dati.

 

vuukle comment

DELTA VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with