_pang-masa
^

Punto Mo

Drone, ginamit ng tropa ni Gen. Lee vs marijuana!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

GUMAGAMIT ng drone ang tropa ni Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee para matunton ang mga plantation ng marijuana sa mga masukal na bundok sa kanilang nasasakupan.

Alam n’yo mga kosa, matarik at masukal ang kagubatan sa Cordillera at higit sa lahat, mga 10 araw kung lalakarin ang kinaroroonan ng marijuana plantation kaya kailangang sigurado ang lahat ng lakad para hindi masayang ang panahon at effort mo.

Sinabi ni Lee na ang lahat ng Provincial Mobile Force Company (PMFC) ay inisyuhan ng Philippine National Police (PNP) ng drone para magamit sa pagtugis ng mga kalaban, lalo na ang mga New People’s Army (NPA). May intelligence report din kasi si Lee na karamihan sa mga marijuana plantation sa Cordillera ay mini-maintain ng NPA para magkaroon sila ng pondo sa kanilang pakikibaka sa gobyerno. Dipugaaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Lee, nagiyahan naman ng drone ang mga bataan ni Col. Rene Pasiwen, ang hepe ng Benguet police, sa matataas na bundok ng Sitio Balaan, Poblacion, Kibungan noong Hulyo 9. Nilibot ng drone ang masukal na kabundukan at naging positibo naman si Pasiwen sa kinalagyan ng marijuana plantation.

At kasama ang local officials at ang komunidad, sinalakay ng Kibungan MPS, 1st Benguet PMFC at Provincial Intelligence Unit ang area at binunot ang 750 pirasong fully grown marijuana plants at nakumpiska rin nila ang umaabot sa 400 marijuana seedlings na may kabuuang halaga na P166,000.

Mukhang natunugan ng cultivators ang papalapit na raiders kaya’t nakaalpas sila bago pa man maabutan. Ang lahat ng ebidensiya ay sinunog, alinsunod sa patakaran ng PNP, ani Lee. Dipugaaaaa!

Sa kalapit probinsiya ng Kalinga naman, pinaputukan ng armadong kalalakihan ang mga kapulisan na sumalakay sa marijuana plantation sa Bgy. Loccong sa Tinglayan. Subalit hindi inalintana ng tropa ni Lee ang pag-atake sa kanila at itinuloy lang ang operation kung saan sinira nila ang aabot sa P28 milyong halaga ng marijuana.

Hindi na gumamit ng drone si Col. Davy Limmong, Kalinga police director, kundi ang human intelligence kaya sigurado siya sa kanilang lakad. Kasama sa operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Tinglayan police, Kalingan Police Provincial Office at ang PDEA-Kalinga.

Binunot ng tropa ni Limmong ang 110,000 pirasong fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P22 milyon, at 50,000 grams of marijuana stalks sa P6 milyon sa 5,500 square meters na lupain. Wala ring bantay ang marijuana farm, ani Lee. Dipugaaaaa! Ano ba ‘yan?

Nangako naman si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi lulubayan ng liderato niya ang kampanya laban sa marijuana at iba pang droga lalo na’t isang taon na lang ang kampanya laban sa illegal drugs ni President Digong. Hindi lang sa Cordillera magiging aktibo ang PNP, kaakibat ang PDEA, laban sa droga kundi maging sa iba pang parte ng bansa, ani Eleazar. Dipugaaaaaa! Abangan!

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with