_pang-masa
^

Punto Mo

Higanteng 3d cat, makikita sa Tokyo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG high tech na bill­­­board sa Tokyo ang umaagaw ng atensiyon ng publiko roon dahil sa makatotohanang 3D na imahe ng isang dambuhalang pusa na makikitang gumagalaw at nagme-meow ng buong araw.

Makikita ang dambu­halang 3D na pusa sa 1,664-square-foot curved LED screen billboard na nasa tuktok ng isang buil-ding sa Shinjuku district sa Tokyo. 

Aakalain mong totoo ang pusa dahil high-defi­nition at 3D ang imahe nito. Mula 7:00 a.m. hanggang 1:00 a.m. araw-araw ay makikitang naglalakad, natutulog at nagme-meow ang pusa sa kanyang puwesto.

Sadyang idinisenyo ang cat display upang makapukaw ng atensyon sa tumpok ng billboard na nasa tabi nito. Maganda rin kasi ang puwesto nito para sa advertising dahil tinatayang nasa 190,000 na mga pedestrians ang dumadaan sa lugar araw-araw.

TOKYO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with